Nagsasagawa na ang Office of Civil Defense (OCD) ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) sa mga apektadong lugar at rehiyon na dinaanan ng Bagyong Pepito sa Luzon.
Ayon kay OCD-OIC, Assistant Secretary for Operations Cesar Idio, ang RDANA ay isang mekanismong ginagamit upang matukoy ang lawak ng pinsala at mga pangangailangan ng mga apektadong komunidad.
Kaugnay nito, dalawang Blackhawk helicopter ang ipinadala sa Region 5, partikular sa Catanduanes, upang magsagawa ng aerial survey at maghatid ng mga inisyal na relief items sa nasabing probinsya.
Samantala, iniulat din ni Asec. Idio na nakaranas ng power interruption ang Region 3, partikular sa mga lalawigan ng Tarlac, Aurora, at Nueva Ecija, dulot ng bagyo.
Aniya, nangangailangan ang mga apektadong lugar ng stable internet connection para sa mas mabilis na koordinasyon at mga charging stations.
Sa kabila nito, nananatili aniyang manageable ang sitwasyon sa nasabing rehiyon.