RDRRMC 1, NAGBABALA SA POSIBLENG PAGBAGSAK NG ROCKET DEBRIS MULA CHINA SA NORTHERN LUZON

Nag-abiso ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council 1 sa posibleng pagbagsak ng mga rocket debris sa bahagi ng Northern Luzon matapos ang rocket launch ng China, kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga lugar kung saan maaaring mapadpad ang mga rocket debris ay sa mga baybayin ng Ilocos Norte at Cagayan na pasok sa Economic Exclusive Zone ng Pilipinas.

Ayon sa tanggapan, umiwas sa mga tinukoy na dropzone areas, huwag hawakan o kunin ang mga natagpuang debris at isangguni agad sa awtoridad sakaling makakita ng tirang debris ng rocket.

Isinagawa, kahapon, December 31, ang launching ng Long March 7A rocket ng China, sa oras na 6:32 hanggang 7:14 ng umaga.

Abiso ng tanggapan, manatiling alerto at mapagmatyag sa paligid para sa kaligtasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments