RDRRMC 1, NAKARED ALERT STATUS SA EPEKTO NG BAGYONG ISANG

Nakataas na sa red alert status ang tanggapan ng RDRRMC 1, biglang paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong Isang sa Rehiyon Uno, ngayong araw.

Ayon kay OCD 1 Spokesperson, Mr. Adreanne Pagsolingan, nagsagawa na umano ng pre disaster risk assessment meeting ang member agencies ng tanggapan para sa magiging epekto ng bagyo.

Dahil dito, nakapreposisyon na ang mga kinakailangan para sa agarang pagresponde sa oras na kailanganin.

Nakaantabay na rin ang mga food and non-food items para sa mga maaapektuhan.

Nanawagan naman ang awtoridad ng agarang paglikas upang hindi na ilagay pa sa alanganin ang buhay ng bawat isa.

Sa forecast track ng PAGASA, inaasahang tatawirin ni Bagyong Isang ang malaking bahagi ng Rehiyon.

Sa ngayon, ramdam na ang malakas na buhos ng ulan dito sa Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments