RDRRMC 1, NANANATILI SA RED ALERT STATUS

Nakataas pa rin sa red alert status ang Region 1 Regional Disaster Risk Reduction Management Council 1 – Emergency Operations Center sa pag-antabay sa sitwasyon sa Ilocos Region bunsod ng epekto ng Habagat at dalang banta ng dalawang binabantayang bagyo.

 

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Office of the Civil Defense Ilocos Regional Director Laurence Mina, mas pinalalakas pa ang pakikipag-ugnayan ng tanggapan sa mga Local DRRMs upang matugunan ang mga pangangailangang tulong ng mga residente sa Rehiyon Uno.

 

Sa tala ng tanggapan, mahigit 127, 000 na mga indibidwal na sa Ilocos ang naitalang naapektuhan ng nagdaang Bagyong Crising.

 

Samantala, nagpaalala si Mina sa publiko na ugaliin ang pag monitor sa mga inilalabas na weather updates at advisories mula sa kinauukulan upang mas maging handa at alerto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments