RDRRMC-2, Naghahanda na sa Pagtama ng Bagyong Siony

Cauayan City, Isabela- Inalerto na ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRMMC) region 2 ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan maging ang mga opisyal upang paghandaan ang pagtama ng bagyong Siony.

Sa isinagawang virtual press conference ng Philippine Information Agency (PIA) Region 2 kasama ang PAGASA at Office of the Civil Defense-2 (OCD), tinutumbok ng bagyong Siony ang Extreme Northern Luzon partikular sa Batanes-Babuyan Group of islands base na rin sa pagtaya ng PAGASA.

Ayon kay Regional Director *Harold Cabreros* ng Office of the Civil Defense, nagpapatuloy ang kanilang monitoring at pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalan sa Batanes maging sa mga maaapektuhang lugar upang paalalahanan at alertuhin ang mga mamamayan sa pagbayo ng paparating na bagyong Siony.


Naka preposition na rin ang mga relief goods at tulong mula sa pamahalaan na ipapamahagi sa mga evacuees lalo na sa mga residente ng Basco, Batanes.

Muli namang pinaalalahanan ni RD Cabreros ang mga Provincial Disaster Risk Reduction Management Council na magsagawa ng pre-emptive avacuation sa mga natukoy na lugar na maapektuhan ng bagyo upang mailayo ang mga residente sa panganib.

Nabatid na una nang nagsagawa ng ‘needs analysis’ at ‘ damage assessment’ ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRMMC) region 2 sa mga pinsalang dulot ng nagdaang bagyong ‘Pepito’.

Payo naman nito sa lahat na maghanda, maging alerto at sumunod sa mga abiso na ibinababa ng PAGASA at ng iba pang mga ahensya gaya ng paglikas at pagtungo sa mga evacuation centers ng mga nasa low lying at flood prone areas.

Facebook Comments