
Nagsagawa ng aerial assessment ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council 7 sa mga lugar na naapektuhan sa Cebu ng Bagyong Tino.
Nilibot ng grupo ang mga lugar sa hilagang Cebu, Camote Island at Metro Cebu para suriin ang naging epekto ng nasabing bagyo.
Samantala, hinimok naman ni OCD 7 acting Chief Engr. Ver Neil Balaba ang publiko na sumangguni lamang sa mga lehitimong ahensya patungkol sa pagdating ng panibagong bagyo na si “Uwan.”
Dagdag pa niya, ‘wag maniwala sa mga kumakalat online lalo ang mga gumagamit ng artificial intelligence o AI na naghatid ng pagkalito at maling impormasyon sa panahon ng sakuna.
Facebook Comments









