RDRRMC, IBINABA ANG ALERT STATUS SA CODE WHITE KASUNOD NG HOLIDAY SEASON

Bumalik na sa normal ang operasyon ng Ilocos Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) matapos ang itaas ang alert status na inilagay sa ilalim ng Code Blue noong holiday season.

Ang Code Blue alert noong Disyembre ay bilang bahagi ng paghahanda para sa kaligtasan at seguridad ng publiko, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Ayon sa ulat ng RDRRMC noong Enero 1, umabot sa 103 indibidwal ang naitalang biktima ng paputok, habang isa sa mga ito ang nasawi. Gayunpaman, sinabi ng tanggapan na manageable ang mga insidente sa buong rehiyon.

Patuloy na pinapalakas ng RDRRMC ang kanilang mga hakbang upang masiguro ang ligtas na komunidad sa buong Ilocos Region sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa iba pang mga ahensya ng gobyerno ngayong 2025. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments