Nakataas na sa Red Alert Status ang Regional Disaster Risk Reduction Manag Council 1 (RDRRMC1) kasunod ng epekto ng Bagyong Mirasol sa Region 1.
Nauna nang nagsagawa ang council ng Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) Scenario Building Meeting upang maantabayan ang sitwasyon sa buong rehiyon mula sa banta ng bagyo.
Inaasahan naman ang mas pinaigting na koordinasyon ng mga member agencies, at mga Local DRRMs upang agarang ireport ang mga kaugnay na insidente sa kani-kanilang nasasakupan.
Pinaalalahanan ang mga residente sa Region I na umantabay sa pinakahuling mga weather updates at advisories at Dam Updates mula sa DOST-PAGASA, at datos ng Landslide and Flood Susceptibility mula sa DENR-MGB Region 1.
Samantala, ilang mga local government units (LGUs) sa Region 1 ang nagsuspinde na ng klase para sa kaligtasan ng mga mag-aaral. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









