Re-alignment sa pondo ng DA, ipatutupad ngayong taon

Magpapatupad ng re-alignment ang Department of Agriculture (DA) sa kanilang pondo ngayong taon.

Sa pre-SONA briefing, sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. na ito ay para maituon sa iba pang aspeto ang pondo ng ahensya.

Sa 2024 budget allocation ng DA, nakatuon ang pondo sa National Rice Program na nasa P30.869 billion.


Sinundan naman ito ng National Fisheries Program na may P6.09 billion at P5.28 billion naman para sa National Corn Program.

Ayon kay Laurel, sa gagawing re-alignment, dadalhin nila ang pondo sa mga pwedeng paglagyan ng investment tulad ng cold storage at solar irrigation.

Ito ay dahil may kakulangan aniya talaga sa patubig kaya’t kasama ito sa tututukan sa gagawing budget re-alignment.

Batay sa 2024 National Expenditure Program, nasa P167.5 billion ang pondo ng DA, ma mas mataas ng 6% kumpara noong 2023.

Facebook Comments