Pinabalik na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Police Chief Inspector Jovie Espenido sa Ozamiz City kagabi.
Ang pagre-assign kay Espenido pabalik sa Ozamiz ay ipinag-utos ng Pangulo sa kanyang pagbisita sa syudad, sa pamamagitan ng isang tawag kay PNP Chief PDG Oscar Albayalde.
“Praise the lord”, ito ang tanging reaksyon ni Police Chief Inspector Jovie Espenido sa isang text message nang hingan ng reaksyon sa utos ng Pangulo na ibalik siya sa Ozamiz City, Misamis Oriental.
Ang pag re-assign kay Espinido pabalik sa Ozamiz ay ipinag-utos ng Pangulo kagabi sa kanyang pagbisita sa syudad, sa pamamagitan ng isang tawag kay PNP Chief PDG Oscar Albayalde.
Agad naman sumunod si PNP Chief sa pamamagitan ng pagsabing “yes sir”.
Samantala, si Espenido ay kasalukuyang nakatalaga sa Eastern Visayas, matapos na una itong inilipat sa Catanduanes.
Magugunitang si Espenido ang nanunungkulang Chief of Police ng Ozamiz at nanguna sa operasyon laban sa nasawing si dating Ozamiz Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog Sr., na isa umanong high-value drug target, noong July 30, 2017 matapos umanong manlaban sa pagsilbi ng search warrant ng mga pulis.
Gayunpaman si Espenido rin ang Chief of Police ng Albuera, Leyte, nang mapatay naman si dating Albuera Mayor Rolando Espinisa Sr., na ama ng umano ay drug lord na si Kerwin Espinosa, noong October 2016 sa isang police operation.