Matagal na umanong pinaghandaan ng Pangasinan Provincial Office (PPO) ang paglilipat o re-assignment sa mga pulis na may kamag-anak na tatakbo sa eleksyon ngayong taon.
Ayon kay PPO Provincial Director PCOL. Rollyfer Capoquian, simula umano nang malipat ito sa lalawigan ay inumpisahan na nila ang pagtukoy sa mga pulis na may kamag-anak na pulitiko at inilipat na ng ibang bayan upang manatiling non-partisan ang kanilang hanay.
Layunin din umano ng naturang hakbang na tiyaking malinis at maayos ang magiging takbo ng eleksyon sa ilalim ng kanilang pagbabantay.
Sa ngayon, wala pang bilang kung gaano karaming pulis sa probinsiya ang may kamag-anak na tatakbo sa eleksyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments