Muling pinaalalahanan ng Department of Public Works and Highways, National Capital Region ang mga motorista na hanggang bukas nalamang ang is set to reblocking activities sa ilang bahagi ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) at Circumferential Road 5 (C-5) na nagsimula noong alas 11 P.M. ng Friday, April 26, taong kasalukuyan at magtatapos ng alas 5 ng madaling araw.
Ayon kay DPWH – NCR Director Ador G. Canlas ang pagkukumpuni ng trabaho sa EDSA ay sakop nito ang Southbound direction sa New York Street hanggang Aurora Boulevard sa Quezon City, 1st lane mula sa sidewalk; at ang Northbound direction harapan ng Baliwag Transit papuntang New York Street, 1st at 2nd lane mula sa sidewalk at mula sa 50 meters pagkatapos ng Magallanes MRT to KM 29 sa Makati City, outer lane.
Gagawin din ang pagkukumpuni sa Northbound harapan ng SM Aura sa Makati City, sa middle lane.
Pinayuhan ni Canlas ang mga apektadong motorista na gamitin ang alternate routes dahil sa inaasahang bigat ng daloy ng trapiko sa construction areas.