Inihayag ni re-elected Dagupan City Mayor Belen Fernandez ang kanyang mga ninanais para sa lungsod sa kanyang susunod na tatlong taong terminong pamumuno.
Sa panayam nito sa media, nangako ito sa ‘walang korapsyon’, good governance at accountability na pamamalakad.
Dagdag niya, mas maraming mga programa pa ang nakahanda para sa mga Dagupeños ngayong siya muli ang uupong alkalde.
Samantala, ilan sa mga nabanggit nitong priority areas ay ang kalusugan, edukasyon, turismo at trabaho. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










