Russia – Opisyal nang muling tatakbo sa susunod na taon si Russian President Vladimir Putin.
Naghain na kasi ng mga kaukulang dokumento si Putin sa mga electoral officials.
Tumungo si Putin sa Central Election Commission kung saan isinumite niya ang kaniyang pasaporte, at ang 300,000 na pirma alinsunod sa requirements ng Russian legislation para sa mga tatakbong independent candidates.
Dahil sa target niyang re-election, tatagal si Putin ng hanggang 2024 sa panunungkulan.
Sakaling mangyari ito ay siya na ang longest-serving Russian leader pagkatapos ng diktador na si Joseph Stalin.
Facebook Comments