RE-ELECTIONIST | Davao City Mayor Sara Duterte, naghain na ng COC

Manila, Philippines – Naghain na rin ng Certificate of Candidacy o COC ang re-electionist na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ayon sa presidential daughter, inuna niya munang makapaghain ng COC ang miyembro ng kaniyang Partidong Hugpong ng Pagbabago.

Aniya, dalawang kandidato ang pinagpipilian niyang maka-tandem kabilang ang kaniyang kapatid na si Sebastian “Baste” Duterte na kakausapin pa ng kanilang amang si Pangulong Rodrigo Duterte.


Facebook Comments