Handa si Appropriations Committee Chairman Rolando Andaya Jr. na irekomenda ang reenacted budget para sa buong taon matapos na mabawi kahapon ang budget books o ang kopya ng General Appropriations Act.
Ayon kay Andaya, kung hindi mareresolba ang deadlock ng Senado at Kamara sa 2019 budget ay ay irerekomenda niya na reenacted na lamang ang budget sa 2019.
Giit ng kongresista, mas mabuting magpakatotoo na ang dalawang kapulungan dahil maraming proyekto ang hindi makausad dahil sa isyu sa pambansang pondo.
Magandang oportunidad na magawan na agad ng paraan at masimulan ang mga proyekto dahil tag-init.
Binibigyan ng 5 araw ang 3-man committee na binubuo nila Albay Rep. Edcel Lagman, San Juan Rep. Ronaldo Zamora at Andaya at ang senate counterpart na resolbahin ang budget impassed at kung hindi ay mainam na reenacted na lamang ang 2019 budget.