Re-launching ng SSS pension booster, inilunsad

Inanunsyo ngayon ng Social Security System (SSS) na mapapalakas na ng mga miyembro ang kanilang pagreretiro at ipon sa pamamagitan ng MySSS Pension Booster program, na nag-aalok ng inaasahang 7.2% taunang return rate.

Sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet na pinalitan ng SSS ang Worker’s Investment and Savings Program (WISP) at WISP Plus sa MySSS Pension Booster upang ipakita ang pangunahing layunin ng savings program ng pagpapalakas ng kanilang mga pondo sa pagreretiro.

Sinabi ni Macasaet na bahagi ang MySSS Pension Booster savings schemes sa mga reporma na nakapaloob sa Republic Act No. 11199 o ang Social Security Act of 2018 na inisponsor ng dating sensdor at ngayon ay Finance Sec. Ralph Recto


Si Recto ay chairman din ng makapangyarihang Social Security Commission.

Facebook Comments