RE-OPENING | DILG, nagbigay na ng ‘greenlight’ sa pagbubukas ng Boracay

Aklan – Nagbigay na ng ‘green light’ ang Department of Interior and Local Government (DILG) na muling buksan ang isla ng Boracay sa October 26.

Nabatid na ipinasara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isla noong April 26 para bigyang daan ang rehabilitation nito.

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, nagkaroon na ng magandang pagbabago sa kalidad ng tubig sa paligid ng isla.


Aniya, ang marumi at mabahong tubig ng Bulabog Beach ay unti-unti ng lumilinaw at wala nang mabahong amoy.

Nasa 65% na kumpleto na ang pagtitibag at pagbuwag sa mga establisyimentong lumabag sa environment rules.

Facebook Comments