Aklan – Tatlong buwan bago muling buksan ang isla ng Boracay, ilang cruise ship na ang nakapila para bumisita.
Ayon sa DOT Region 6 lima hanggang walong cruise ships ang inaasahang bibisita sa isla sa reopening nito sa October 26 hanggang sa susunod na taon.
Kabilang sa mga bibisita ang Royal Caribbean Cruises, Star Cruises at Celebrity Cruises.
Ang cruise ships ay may kapasidad na makapagsakay ng 1,700 hanggang 4,500 tao.
Sinabi pa ng DOT na ang pagbisita ng mga cruise ship sa isla ay magiging bahagi din ng ginagawang pag aaral upang matukoy ang carrying capacity ng isla.
Noong nakaraang Enero at Pebrero pitong cruise ships ang bumisita sa isla, sakay ang halos dalawampung libong pasahero.
Facebook Comments