Nananatili ang kumpiyansa ng mga Filipino kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Iyan ang reaksiyon ni Senador Christopher “Bong” Go sa pinakahuling Pulse Asia Research September 2020 “Ulat sa Bayan” Survey.
Patunay din aniya ito sa patuloy na pagtupad ng Pangulo sa kanyang campaign promise na magbigay ng komportableng buhay sa lahat sa kabila ng mga hamon dulot ng COVID-19 pandemic.
“Bagamat nakakataba ng puso ang 91% approval rating ng Pangulo, hindi pa po tapos ang ating trabaho na maglingkod sa bayan. Sa mga kasamahan ko sa gobyerno, gamitin natin itong inspirasyon upang mas lalong pagbutihin ang ating serbisyo sa taumbayan bilang pagkilala sa tiwala na ibinibigay nila sa atin.” Pahayag ni Go.
Salig sa Ulat sa bayan survey ng Pulse Asia ay tumaas ng 91% ang performance rating ng pangulo.
Mayorya ng mga Pilipino ay sumang-ayon sa naging hakbang ng pangulo sa gitna ng giyera laban sa pandemya.
Sa kanilang survey na inilabas araw ng Lunes, Oct. 5,2020 nakasaad na tumaas ng 4% ang performance ratings ng Pangulo mula sa 87% noong December 2019.
“At habang patuloy nating nilalabanan ang pandemyang ito, sisiguraduhin nating maipagpatuloy rin ang lahat ng mga magagandang pagbabagong sinimulan ng ating Pangulo para sa ikabubuti ng buong bansa.” Dagdag pa ng Senador.
Nilinaw naman ni Go na anuman ang resulta ng survey pabor man o hindi sa administrasyon ay patuloy silang magkakaloob ng de kalidad na serbisyo publiko.
“Basta kami ni Pangulong Duterte, patuloy kaming magseserbisyo sa inyo sa abot ng aming makakaya. Kahit walang mataas na approval rating, magseserbisyo kami para sa ikabubuti ng kapwa naming Pilipino. “ pagtatapos ni Go.