Re-reading, pwedeng hilingin ng mga customer kung duda sa kanilang bill ayon sa Meralco

Pinayuhan ng Manila Electric Company (Meralco) ang mga customer nito na humiling ng panibagong reading kung duda sila sa itinaas ng kanilang bayarin sa kuryente.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, babalikan nila ang metro at magsasagawa muli ng reading.

Kung hindi pa rin kuntento ay maaaring ipa-test ng customer kung sira ang kanilang metro.


Samantala, sa interview ng RMN Manila, muling iginiit ni Zaldarriaga na hindi sila maglalabas ng disconnection notice hanggang August 31 kaya walang dapat ipag-alala ang kanilang mga customer.

Kahit ¼ lang aniya ng bayarin ang mabayaran ay hindi sila mapuputulan ng kuryente.

“Huwag ho tayong mag-aalala, wala ho tayong disconnection. Matagal-tagal pa ho ito. ‘Yung period ng connection is up to end of August and we may even further stretch that. Humihingi kami ng paumanhin. Naiintidihan namin, nakapakirap ng sitwasyon. Kahit kami sa Meralco, customers din. We put ourselves in the shoes of consumers, talagang difficult,” ani Zaldarriaga.

Facebook Comments