Re-routing plan ng MMDA para sa mga truck na bumabagtas sa Roxas Boulevard, epektibo ng bukas; mga daanang pwedeng bagtasin, alamin

Manila, Philippines – Epektibo na simula bukas ang re-routing plan ng Metropolitan Manila Development Authority para sa mga truck na bumabagtas sa Roxas Boulevard.

Ito ay bilang paghahanda sa gaganaping ASEAN Summit sa PICC sa lungsod ng Pasay.

Ayon sa MMDA, lahat ng truck na nasa 4,500 kilograms pataas ang bigat, rehistrado man sa terminal appointment booking system o hindi ay pagbabawalang dumaan sa Roxas Blvd hanggang sa Biyernes.


Pinapayuhan din ng MMDA ang mga apektadong truck na manggagaling sa port area patungong south super highway na dumaan sa Bonifacio Drive, kaliwa sa P. Burgos, Finance Road, Ayala Boulevard, kanan sa San Marcelino, kaliwa sa Pres. Quirino Avenue, at kumanan patungong south super highway.

Ang mga manggagaling naman sa south super highway patungong port area ay pinapayuhang dumaan sa south super highway, kanan sa Pres. Quirino Avenue, kaliwa sa Plaza Dilao, kanan sa Pres. Quirino Avenue Extension, kaliwa sa United Nations Avenue, kanan sa Romualdez Street, kaliwa sa Ayala, Finance Road, P. Burgos, at kumanan sa Bonifacio Drive patungong Port Area.

Facebook Comments