Reactionary Standby Support Force ng PNP, ikakalat sa NCR para sa pagsalubong ng Bagong Taon

Sasabak naman ang Reserve Security Forces ng Philippine National Police (PNP) para magbigay ng mahigpit na seguridad sa pagsalubong ng Bagong Taon matapos na magsilbi sa nakalipas na pagdiriwang ng Pasko.

Kanina, sa tapat ng National Head Quarters sa Camp Crame, nagsagawa ng accounting of personnel para sa mga pulis na ipakakalat sa iba’t ibang distrito sa Metro Manila.

Inalerto sila at pinaalalahaanan na maging handa oras na kailanganin.


Ayon kay Police B/Gen. Matthew Baccay, New Year’s RSSF Commander, kagaya noong Pasko, 250 mga pulis ang ipakakalat nila hanggang January 5.

Target kasi ngayon ng PNP ang zero-incidents ng indiscriminate firing ng mga pulis at zero-injuries mula sa indiscriminate firing na bahagi ng ligtas Paskuhan 2019.

Samantala, pinaalalahan din ni Baccay ang mga pulis sa tamang bihis habang naka-deploy.

Facebook Comments