Nakahanda ang pwersa ng Philippine National Police (PNP) mula sa mga karatig lalawigan ng Negros Island.
Ito’y para umagapay sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon.
Ayon kay PNP Public Information Officer (PIO) Chief PBGen. Jean Fajardo, saka-sakaling lumala ang sitwasyon sa bulkan ay mayroon namang Reactionary Standby Support Force sa Negros Island.
Sa kasalukuyan, nasa humigit kumulang 400 tauhan ng PNP ang nakakalat, partikular na sa pinakaapektadong lugar, tulad ng Bago City kung saan nagpapatupad ng force evacuation.
Bukod sa paglilikas, nakabantay rin ang PNP sa mga evacuation center at sa mga nilisang kabahayan para tiyaking hindi ito mabibiktima ng mga kawatan.
Facebook Comments