Reactivation ng datos ng mga botanteng hindi nakaboto sa nakalipas na eleksyon, pinayagan na

Pinayagan na ng Commission on Elections (Comelec) ang virtual na pagsasagawa ng reactivation ng record ng mga botanteng bigong makaboto sa nakalipas na eleksyon.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, layon ng gawain na matulungan partikular na ang mga indibidwal na mayroong espesyal na pangangailangan at ang mga senior citizens na hirap na makalabas ng kanilang mga tahanan.

Kailangan lamang makipag-ugnayan ng mga botante sa kanilang mga election officers na magbibigay ng paraang gagamitin sa pamamagitan ng kanilang email address.


Paglilinaw ni Jimenez, tanging ang mga botante lamang na mayroong biometrics records sa Comelec ang papayagan at ang mga wala ay kailangang personal na magtungo sa ahensiya.

Facebook Comments