REACTIVATION NG MGA ISOLATION FACILITIES SA PANGASINAN, IPINAG-UTOS

LINGAYEN, PANGASINAN – Ipinag-utos ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa mga lokal na pamahalaan nito ang pagrereactivate ng mga isolation facilities sakaling magkaroon ng pagtaas o surge ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Kasama ito sa mga pinag-usapan sa ginanap na pulong provincial IATF kasunod ng banta ng Omicron Variant sa probinsiya.

Matatandaang Isinailalim sa granular lockdown ang dalawang Rural Health Units sa bayan ng Calasiao matapos magpositibo sa COVID-19 ang dalawang medical staff nito.

Ang Department of Health-Center for Health Development 1 naman ay nagkakaroon na ng koordinasyon sa mga hospital sa rehiyon upang ireactivate ang kanilang COVID-19 facilties.

Samantala, hinihikayat ang mga LGUs na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng Vaccination drive sa mga barangay maging ang information campaigns ukol sa COVID-19 Vaccines. | ifmnews

Facebook Comments