READ | Buto ng tao natagpuan ng dahil sa aso

San Carlos City, Pangasinan – Natagpuan ang kalansay ng isang 15-anyos na dalagita dahil diumano sa isang aso noong ika-23 ng Enero sa barangay Tarece sa lungsod ng San Carlos.

Kinilalang si Melissa Castro, grade 10 student at residente ng nasabing lugar matapos itong kumpirmahin ng kanyang ina dahil na rin sa kuko nito sa kanang paa. Natagpuan diumano ang bangkay matapos dalhin ng aso ang buto sa kanilang residential compound at doon nakumpirma ni Pedro Datuin residente din ng lugar na ito’y buto ng tao. Natagpuan din diumano sa lugar ang Pink na V-neck shirt, blue na pantalon at isang pares na kulay brown na tsinelas na sinasabi umanong gamit ng biktima.

Mabilis namang ipinagbigay alam sa mga awtoridad ang natagpuang piraso ng buto dahilan para mahanap ang ilan pang mga bahagi ng katawan ng dalagita.


Ayon sa report, noong nakaraang December 6 ng umalis ang dalagita para magpaload ngunit hindi na nakabalik pa at ilang linggo diumanong hinanap ng mga awtoridad.

Sa kasalukuyan, patuloy pa ring iniimbestigahan ang nasabing insidente at nagsasagawa ng autopsy ang Provincial Crime Laboratory Office sa Lingayen, Pangasinan upang malaman ang eksaktong dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Ulat ni Crystal Mae Aquino
Photo-credited to Google Images

Facebook Comments