Patuloy ang Food and Drug Administration o FDA sa pag iinspeksyon sa ibat-ibang manufacturing company at kasabay nito ang pagbibigay ng paalala sa pagbili ng mga pagkaing panghanda ngayong holiday season.
Ayon kay FDA Officer ng Regional Field Office I Mrs. Airene Barlin dapat umanong maging vigilante ang mga konsumer ng sagayon maging safe ang kakainin ng bawat pamilya. Paalala nito na dapat may expiration date ang pagkaing bibilihin at na huwag basta basta maniniwala sa mga taong nagsasabing may palugit pang ilang araw ang pagkaing expired na dahil buhay ang pwedeng maging kapalit nito. Mas mainam umano na huwag na lang bilihin o kainin ang pagkain expired na. “May mga pagkaing maaaring macompromise kahit na matagal pa ang expiration date nito dahil sa temperatura ng lugar ng pinaglalagyan ng pagkain at kung may kakaibang amoy na ito huwag ng kainin pa.” Mrs. Airene Barlin.
Kung may reklamo tungkol sa manufacturer ng pagkain maaring gumawa ng written complaint at ipasa sa kanilang opisina ng maaksyunan agad ito.