READ | Narito ang guidelines para sa mga gustong magpa-replace ng iPhone batteries

Kamakailan ay inamin ng kompanyang Apple na bumabagal ang mga iPhone units nila habang lumuluma ang battery nito. Inanunsyo ngayon ng Power Mac Center, ang otorisadong service provider ng Apple sa bansa na tumatanggap na sila ng mga iphone units na gustong magpa-replace ng battery na dedepende sa kanilang tinakdang guidelines.

Ayon sa PMC tinatanggap nila ang mga eligible units na out of warranty na may initial payment na P1,500 inclusive na ang labor dito. Niliwanag naman ng PMC na maaring mag-adjust ang nasabing presyo depende sa importation cost at kung may ibang parte ng nasabing unit na kinakailangang palitan bukod pa dito ang diagnostic fee.

Sa ngayon ang mga gustong mag-avail ng iPhone battery replacement ay maaring bumisita sa pinakamalapit na PMC. Check here powermaccenter.com/locations


Facebook Comments