Umarangkada na sa pagpapaabot ng ayuda ang bagong buong READi BARMM o Rapid Emergency Action On Disaster Incidence ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Kabilang sa tinungo ng READi BARMM ang mga pamilyang naapektuhan ng kaguluhan sa Shariff Saydona Mustapha sa Maguindanao.
Abot sa 805 na pamilya ang napagkalooban ng tulong sa isinagawang relief distribution ng mga ito na kinabibilangan ng 569 families mula Brgy Ganta at 236 families mula Brgy. Bakat ng Shariff Saydona Mustapha.
Naglalaman ng 10 kilio ng bigas , 4 na lata ng sardine , 4 lata ng corned beef at s10 pcs ng 3n1 coffee.
Nanguna sa pamamahagi ng ayuda ang itinalagang Head ng READi BARMM na kasalukuyang Minister ng Interior and Local Government Atty. Naguib Sinarimbo kasama ang mga opisyales ng 601st Brigade, 33rd IB , 57th IB at LGU.
Matatandaang nagsimulang lumikas ang ilang pamilya sa SPMS Box sa Maguindanao matapos maglunsad ng operasyon ang military kontra BIFF.
Ang READi BARMM ay ipinalit sa ARMM HEART o ang Humanitarian Emergency Action Response Team.
READi – BARMM nagpaabot ng tulong sa mga Bakwit sa Shariff Saidona Mustapha
Facebook Comments