Nakatakdang magsasagawa ng Earthquake-Tsunami Drill ang Rapid Emergency Action on Disaster Incidence o READI-BARMM sa Brgy. Kusiong bayan ng Datu Odin Sinsuat Maguindanao.
Ayon pa kay Myrna Jo Henry, focal person ng ahensiya na simula ngayong araw ng Biyernes ay kanila nang uumpisahan ang mga emergency response movements mula sa Cotabato City patungo sa Kusiong Area.
Habang gagawin ang drill bukas araw ng sabado at inasahang magiging abala ang bahagi ng Sinsuat Avenue partikular sa uptown area dahil sa nabanggit na pagsasanay.
Sinasabing nasa 500 trained personalities ang lalahok sa naturang aktibidad mula sa MILG, BFP, PNP, AFP, Phil Coast Guard, MOH, DepEd, local officials at maraming iba pa.
Kahapon nagpulong sa tanggapan ng Readi Barmm ang mga ahensyang makikilahok sa Simulation Drill.
Layunin ng aktibidad na imulat ang kaalaman ng publiko sa mga dapat gawin sakaling maranasang muli ang 8.2 magnitude na lindol at Tsunami noong August 17, 1976 .