READY NA | COMELEC – “all-set” na para sa barangay at SK election

Manila, Philippines – ‘All set’ na ang Commission on Elections (COMELEC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan election bukas, May 14.

Ayon kay acting COMELEC chairman Al Parreno, 100% kumpleto na ang lahat ng aspeto ng halalan kabilang ang deployment ng ballots at iba pang election materials.

Sinabi naman ni COMELEC Spokesman James Jimenez, walang kinakailangang dalhin ang mga botante dahil ang mismo ang poll body na ang magbibigay ng ballpen sa araw ng botohan.


Hindi na rin kinakailangan ng mga botante na dalhin ang kanilang COMELEC identification cards.

Sa 42,044 barangay nationwide, kailangang punan ito ng tig-isang barangay chaiperson at tig-pitong kagawad.

Para sa SK, isang chairperson at pitong miyembro rin.

Sa datos ng COMELEC, mayroong 78,002,561 registered voters.

Facebook Comments