REAKSYON NG ILANG PANGASINENSE SA PHASE 1 NG REFLECTIVE POOL AT VETERANS PARK, HATI

Magkaiba ang naging reaksyon ng ilang Pangasinense matapos masilayan ang Phase 1 ng reflective pool at Veterans Park sa Capitol Beachfront, Lingayen.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan sa ilang beachgoers, kinatigan ang umano’y mala Washington DC Lincoln Memorial Reflecting Pool na matatanaw ang puting kapitolyo sa dulo.

Habang ilan sa mga residente ang nagpahayag na iba pa rin ang tanawin sa beachfront kapag maraming puno dahil mayroong masisilungan ang mga dumarayo.

Bagaman naging kontrobersyal ang simula ng konstruksyon sa kinatatayuan ng mga nabanggit na proyekto sa kapitolyo, iginiit ng Pamahalaang Panlalawigan na may pahintulot mula sa mga opisina ng gobyerno ang paglilipat ng historical marker at pagpuputol ng ilang puno sa lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments