Realignment ng budget, nagpapatuloy pero mayroong mga prosesong dapat ikonsidera – DepEd

Iginiit ng Department of Education (DepEd) na nire-review nila ang kasalukuyan nilang budget para tiyakin na ang Basic Education – Learning Continuity Plan (BE-LCP) ay matagumpay na maipatutupad.

Ito ang tugon ng kagawaran matapos magpadala ng sulat si Vice President Leni Robredo kung saan iminumungkahing i-realign ang 29.5 billion pesos na budget nito na orihinal na nakalaan para sa rehabilitation ng school buildings para sa pagbili ng gadget at iba pang kagamitan para sa distance learning at hazard pay sa mga guro.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, mayroong ‘procedural requirements’ na kailangang sundin.


Ang paglipat ng budget sa ibang paglalaanan ay kailangan ng approval mula sa Pangulo.

Sinabi naman ni Education Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla, mula noong Abril ay nire-review na ng ahensya ang mga programa, aktibidad at mga proyekto nito para marealign at ma-modify ang nasa P27 billion.

Para kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, humihingi sila ng supplemental budget para sa pagsasa-ayos ng kisame ng mga silid-aralan bilang paghahanda sa posibleng pagbabalik ng face-to-face classes.

Mayroong ibang strategic at policy considerations para malaman kung paano magagamit ang pondo at kung saan ito maaaring i-realign para ipatupad ang Learning Continuity Plan.

Facebook Comments