Realignment sa resources ng DHSUD, pinag-aaralan para sa mabilis na pagbibigay ng tulong sa naapektuhan ng pagyanig

Nasa proseso ngayon ng pag-aaral ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) para sa realignment ng kanilang resources sa harap ng kagustuhan ng ahensya na maihatid ng mabilis ang tulong sa mga naapektuhan ng pagyanig.

Sa isinagawang Laging Handa briefing, sinabi ni DHSUD Assistant Secretary Avelino Tolentino na kasunod ng pagkakatalaga kay Secretary Jerry Acuzar ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay agad itong nagpatawag ng pulong.

Tinalakay sa pulong ang usaping ito habang pinahahanap din ng kalihim ang mga regional director ng Region 1, 2 at Cordillera Administrative Region (CAR) na mag-isip ng mga intervention para mas maging responsive sa sitwasyon.


Idinagdag ni Tolentino na kanila ring tinitingnan ang rental subsidy at reintegration ng Disaster Shelter Assistance Program.

Batay sa datos ng ahensiya, mula sa 14,798, umakyat pa sa 20,533 ang napinsalang mga bahay, tatlong daan at dalawa rito ay totally damage.

Facebook Comments