Umabot na sa 5,050 ang bilang ng drug personalities na namatay sa anti-drug operations.
Ito ay base sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula noong November 30.
Sa 1,865 drug operations na ikinasa nitong nakaraang, bukod sa mga nasawi ay aabot sa 2,681 ang naaresto.
Sumatutal, aabot na sa 115,435 drug operations ang isinagawa mula nang nagsimula ang Duterte Administration at nasa 164,265 ang naaresto.
Ayon kay PDEA Spokesperson Derrick Carreon – papalo na sa ₱25.19 billion ang halaga ng mga ilegal na drogang nasabat.
Nasa 606 government workers ang inaresto dahil sa pagkakadawit sa ilegal na droga, kabilang ang 280 employees, 260 elected officials at 66 uniformed personnel.
Facebook Comments