Rear Admiral Alfonso Torres Jr., itinalaga bilang kapalit ni Vice Admiral Alberto Carlos sa WESCOM

Itinalaga bilang bagong pinuno ng Armed Forces of the Philippines – Western Command (AFP-WESCOM) si Rear Admiral Alfonso Torres Jr., kapalit ni Vice Admiral Alberto Carlos.

Ayon kay AFP Public Affairs Office (AFP-PAO) Chief Xerxes Trinidad, ang pag-assign kay Torres ay isang administratibong desisyon ng AFP.

Si Carlos ay naka-leave of absence ngayon dahil sa personal na dahilan.


Una nang nasangkot ang pangalan ni Carlos sa umanoy telephone recording patungkol sa “new model agreement” sa China hinggil sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS) pero itinanggi ito ng AFP.

Kasabay nito, nilinaw ng AFP na walang kaugnayan ang pag-leave ni Carlo sa kontrobersyal na umano’y “new model agreement” at wala ring nangyayaring imbestigasyon hinggil dito.

Facebook Comments