Tiniyak ng Department of Health (DOH) sa mga pharmaceutical companies na magiging reasonable ang ipapatupad na maximum retail prices sa ilang gamot.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, hindi malulugi ang mga pharmaceutical company.
Alam nilang negosyo pa rin ito ay gumagastos sila para sa development ng mga gamot, pero ang mark-up ay kailangang reasonable.
Napansin nila ilang ibinebentang gamot sa Pilipinas ay mahal kumpara sa ibang bansa.
Sa ngayon, nagsasagawa ang ahensya ng public hearings kaugnay dito at inaasahang makakapaglabas sila ng rekomendasyon hinggil sa presyo ng ilang gamot sa mga susunod na buwan.
Facebook Comments