REASSIGNMENT | 11 Pulis na basher ni PNP Chief Oscar Albayalde, ipinatatapon sa Sulu

Manila, Philippines – Ipinatatapon na ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde ang labing isang pulis na kanyang naging bashers sa facebook account na buhay lespu sa lalawigan ng Sulu.

Ayon kay Albayalde kulang sila ng tauhan sa lalawigan ng Sulu para mapanatili ang kaayusan sa lugar kaya doon itinalaga ang mga pulis.

Paraan din aniya nila ito para hindi maimpluwensyahan ng mga pulis na ito ang iba pang matitinong pulis


Nilinaw naman ni Albayalde na hindi parusa sa mga pulis ang reassigment dahil ang parusa sa kanila ay patawan ng conduct unbecoming of a police officer.

Matatandaang kahapon ay humarap mismo kay PNP Chief Albayalde ang syam sa labing isang pulis na bashers nya sa facebook.

Kaugnay nito na 20 pulis pa ang natukoy ng PNP na facebook bashers din ni Albayalde na ngayon ay inaasahang ipapatawag rin ng Directorate for Intelligence and Detective Management o DIDM sa mga susunod na araw.

Facebook Comments