
Nagpatupad ng reassignment ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa ilang paliparan sa bansa.
Ito ay para masiguro ang operational stability at matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo sa lahat ng paliparan.
Kabilang sa mga ito ang pagtatalaga kay Glenn Tripulca, dating Civil Aviation Area Manager for Area Center III, na ngayon ay itinalaga bilang Civil Aviation Area Manager for Area Centers III and IV.
Samantala, si Mohammad Naga Rascal, dating Civil Aviation Area Manager for Area Center IV, ay nadestino sa Office of the Deputy Director General for Operations.
Si Christopher Enriquez, dating airport manager ng San Jose Airport, ay na-designate bilang airport manager ng Puerto Princesa International Airport.
Habang si Niel Dela Cruz, dating officer-in-charge ng Pinamalayan/Calapan Airport, ay na-assign bilang acting airport manager ng San Jose Airport.
Si Ryan Valera naman, na dating nakadestino sa Aerodrome Rescue and Firefighting Unit ng San Jose Airport, ay naitalaga bilang officer-in-charge ng Calapan/Pinamalayan Airport.
Dalawa pang personnel mula Puerto Princesa International Airport ang inilipat sa Iloilo International Airport.
Sa ngayon, patuloy namang mino-monitor ng CAAP ang development ng kaso ng pagpaslang sa airport manager ng Puerto Princesa.










