Simula ngayong Abril magpapatupad ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng mga intervention sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga skills training at national certificates for competencies para sa mga kakayahan na kailangan nila upang simulan ang isang buhay sa labas ng mga armadong komunidad.
Ang mga rebel returnees ay kabilang sa “mga espesyal na kliyente” ng TESDA, kasama ang mga drug surrenders at indigenous peoples.
Sinabi ni TESDA Secretary Isidro Lapeña, sasanayin ng ahensya ang may 4,800 “special clients” simula ngayong buwan.
Ang mga beneficiaries ay mula sa Kalabugao at Talakag, Bukidnon at mula Camp Darul Arqam sa Lanao del Sur, gayun din ang ilang tukoy na indigenous peoples sites at MILF/MNLF camps.
Inatasan din ni Lapeña ang regional at provincial directors na gumawa ng mga hakbang upang tulungan ang mga rebel returnee na humanap ng trabaho at livelihood.
Samantala base sa rekord ng TESDA mayroon ng 1,259 rebel returnees ang nag enrolled sa iba’t-ibang tech-voc courses noong 2018.