Rebelasyon ni Sen. Lacson na may mga mambabatas na dawit sa maanomalyang infra projects, suportado ni PBBM

Welcome sa Palasyo ang isiniwalat ni Senator Ping Lacson na may higit 60 mambabatas ang nasa kanyang corruption list na dawit sa umano’y maanomalyang infrastructure projects.

Sa press briefing sa New Delhi India, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro, posibleng magkapareho ang mga pangalang nasa listahan ni Pangulong Marcos Jr. at ang nasa listahan ni Senator Lacson kaugnay sa maanomalyang infrastructure projects.

Suportado aniya ng Palasyo ang anumang hakbang na maglalantad sa mga katiwalian basta’t may malinaw na ebidensya.

Hinihikayat din ni Castro ang sinoman na may nalalaman sa ganitong mga katiwalian na lumapit sa kanila.

Facebook Comments