REBELDE, KUSANG SUMUKO SA MGA AWTORIDAD

Isang rebelde ang kusang sumuko sa pulisya sa Sto. Niño, Cagayan ngayong araw Setyembre 27, 2022.

Kinilala ang sumuko na si alyas Ian, 43-taong gulang, may asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Lubo, Sto. Niño, Cagayan.

Sa ibinahaging impormasyon ng Cagayan Police Provincial Office, nakumbinsi si Alyas Ian na sumapi sa makakaliwang grupo matapos dumalo ng anibersaryo ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Mureg, Brgy.Balami, Sto Niño, Cagayan sa pamamagitan ng kanyang kaibigan.

Nakumbinsi siyang sumali sa kilusan at manumpa kasama ang mahigit kumulang 30 na mga bagong miyembro sa grupo mula sa iba’t ibang munisipalidad.

Dagdag pa niya, sumailalim sila sa Indibidwal Combat Training at wastong paghawak ng baril bago italaga bilang S4 o Logistic ng Squad Uno.

Napag-alaman na isa rin si alyas Ian sa humigit kumulang 100 miyembro ng CTG na nang ambush laban sa hepe ng Rizal Police Station na nagresulta sa pagkasawi nito kasama ang kanyang asawa noong Enero 2010.

Itatalaga pa sana siya bilang pinuno ng Baggao ngunit tinanggihan niya ito at nagpasyang bumalik sa pamilya at mamuhay muli ng normal.

Ang kanyang pagsuko ay resulta ng pagsisikap ng pinagsanib pwersa PNP Sto. Niño, 4th Mobile Force Platoon, 1st Provincial Mobile Force Company, 202nd Regional Mobile Force Battalion 2 katuwang ang nga Barangay Officials ng Barangay Cabayo, Sto. Niño, Cagayan.

Facebook Comments