Itinanggi naman ng rebeldeng komunista na sila ang nasa likod ng pagpatay kay Ako Bicol Party-List Rep. Rodel Batocabe.
Ayon kay Maria Roja Banua – kinukondena rin ng CPP-NPA-NDF ang brutal na pagpatay sa mambabatas.
Nagpaabot din ng pakikiramay ang CPP-NPA-NDF sa pamilya ni Batocabe, maging sa mga naulia ni SPO1 Orlando Diaz, na siyang bodyguard ng kongresista.
Iginiit ni Banua – na walang katotohahan ang pahayag ng Philippine National Police (PNP) na ang revolutionary movement ang dawit sa insidente.
Aniya, walang NPA unit sa Bicol ang sangkot sa pagpatay.
Dagdag pa ni Banua – nagiging ‘automatic’ na pasa PNP at AFP na isisi at ibintang agad sa NPA ang mga kaso ng pagpatay at iba pang krimen para pagtakpan ang imbestigasyon at hindi panagutin ang mga responsible sa kanilang hanay.
Ginagamit din ng PNP ang kaso ni Batocabe para magpalaganap ng pekeng balita at siraan ang CPP kasabay ng pagdiriwang ng kanilang ika-50 anibersaryo.