Dapat rebolusyon sa kahirapan ang maging sentro ng diwa ng EDSA People Power sa halip na politika.
Ito ang ipinahayag ng grupong BTS sa Kongreso na bumisita sa Quezon City.
Pinangunahan nina Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano, Laguna Rep. Dan Fernandez, Anakalusugan Rep. Mike Defensor, at Quezon City First District Rep. Anthony Peter Crisologo ang pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng Bangon Pamilyang Pilipino Program.
Ayon kay Cayetano, sa halip na politika, dapat matuon sa pagtulong sa naapektuhan ng pandemya ang pagsumikapan ng bawat isa.
Sa isang seremonya sa San Francisco High School Covered Court sa Bago Bantay, QC, sampung benepisaryo ang tumanggap ng tig-P10,000 cash assistance.
Binigyan din ng ayuda ang mga Barangay Health Workers sa naturang lugar.
Sabi pa ni Cayetano, habang wala pang bakuna ay mahalagang makapagbigay na ng ayuda sa mga lubhang nangangailangan.