Rebooking fees ng mga pasaherong apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon, ipinapa-waive sa CAAP

Ipinapa-waive ni Senate Majority Leader Francis Tolentino sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang rebooking fees ng mga pasaherong apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.

Hiling ni Tolentino sa CAAP na huwag nang singilin ng bayad o multa sa rebooking ang lahat ng mga pasaherong apektado ng flight cancellations dahil sa pagsabog ng bulkan.

Tiniyak naman ng CAAP sa senador na hindi sila maniningil ng rebooking fees sa mga apektadong pasahero na siya namang welcome sa mambabatas.


Umapela naman si Tolentino sa CAAP na agad ipaalam sa mga pasahero ang pag-waive ng rebooking fees.

Ayon naman sa CAAP mayroong help desks na nakatalaga sa mga airports para alalayan ang mga pasahero sa pag-rebook ng kanilang mga flights nang walang ipinapataw na charges o multa.

Facebook Comments