REBRANDING NG MGA PROVINCIAL HOSPITALS SA PANGASINAN, ISUSULONG NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

Nais ngayon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan na i-rebrand ang imahe ng mga provincial hospitals upang makapagbigay ng standard na serbisyo.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Bise Gobernador ng Pangasinan, nais umano ng gobernador na magpatayo ng Pangasinan Provincial Medical Center System kung saan ang umanong kalidad ng serbisyo na ibinibigay ng isang maliit na ospital ay pareho lamang ang kalidad ng serbisyo na ibinibigay ng isang apex o tertiary hospital.
Nilinaw din ni Lambino na hindi umano ibig sabihin na pareho ang kalidad nito ay naroon na sa maliit na ospital ang mga pasilidad halimbawa na lamang aniya, kung ang isang tao umano ay magpapa-laboratoryo o magpapa-x-ray sa maliit na hospital ay makakaranas ito ng standard na quality of service na mayroon ang isang tertiary hospital.

Nais umano ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan na itaas ang kalidad na serbisyo sa usaping pangkalusugan na ihahatid ng mga government owned hospitals mula sa Primary, secondary at tertiary medical management system sa lalawigan.
Layunin din ng planong ito ng pamahalaan na alisin sa isipan ng mga mamamayang magpapagamot na kahit isa lamang itong district o community hospital ay wala na itong kayang ibigay na kalidad na serbisyo kung kaya’t isusulong umano nila ito dahil upang maging kampante at tiwala ang mga pasyente.
Binigyan diin nito na hindi umano realistic na ang isang maliit na hospital ay mayroon ding mga pasilidad na kung ano ang mayroon sa malaking hospital. |ifmnews
Facebook Comments