Manila, Philippines – Pinare-recall ng Food and Drug Administration o FDA ang mga anti-rabies galing China.
Ayon kay DOH Undersecretary Rolando Enrique Domingo, ito ay matapos magbigay babala ang National Medical Product Administration of China hinggil sa anomalya sa produksyon ng bakuna.
Aniya, agad namang nabawi ng FDA ang mga anti-rabies sa warehouse Parañaque, Cagayan de Oro, Davao, Iloilo at Pangasinan.
Bagaman maliit na supply lang ang pina-recall, nabahala ang DOH dahil lalong bumaba ang supply ng anti-rabies vaccine ng bansa.
Paalala ng DOH delikado ang rabies kaya mahalagang mapabakunahan ng anti-rabies ang alagang aso at pusa.
Kahit na nabakunahan ang alagang hayop kailangang ring mabigyan ng anti-rabies ang makakagat ng nito.
Facebook Comments