Manila, Philippines – Hindi naglabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order (TRO) sa hirit ni San Juan City Mayor Guia Gomez na ipatigil ang recall elections na isinampa nitong si dating Vice Mayor Francis Zamora.
Sa halip, inatasan ng SC ang kampo ni Zamora na mag-komento sa hirit na TRO ni Gomez sa loob ng limang araw.
Kinuwestyon ni Gomez ang Commission on Election (COMELEC) resolutions na nagtatakda ng recall elections na may petsang April 17, 2018 at November 16, 2017 sa paniwalang tainted ito at nagkaroon ng grave abuse of discretion ang COMELEC sa paglalabas ng naturang resolusyon.
Kasama sa apela ni Gomez ang pagpapalabas ng TRO o hindi naman kaya ay status quo ante order laban sa aniya ay iligal na COMELEC ruling.
Naniniwala rin ang kampo ni Gomez na may mga naging paglabag ang COMELEC sa paglalabas nito ng ruling na nagtatakda ng recall elections sa kabila ng kawalan ng quorum.