Walang epekto sa kaso ni Senadora Leila de Lima ang naging pagbawi ni Kerwin Espinosa sa mga testimonya nito laban sa drug case ng senadora.
Ayon kay National Prosecution Service Head Benedicto Malcontento, umpisa pa lamang ay hindi naman nila ginamit sa hukuman ang mga testimonya ni Espinosa.
Hindi rin aniya itinuturing si Kerwin na state witness sa drug cases ni de Lima.
Naniniwala rin si Malcontento na ginawa ni Espinosa ang recantation sa pag-asang magagamit niya ito bilang depensa sa kanyang drug cases.
Kaduda-duda rin aniya ang timing ng pagbaliktad ni Espinosa kung saan ginawa niya ito isang linggo bago ang halalan.
Facebook Comments